_ngayon
^

Bansa

Lacson pinagso-‘sorry’ ng solons

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lacson pinagso-âsorryâ ng solons
Bilang kinatawan ng Kamara, sinabi ni Castro na dapat na agad na mag-sorrry si Lacson dahil napatunayan palang “wala naman ni katiting na katotohanan” ang mga alegasyon niyang may P1.5 bilyong dagdag na pondo raw ang bawat deputy speaker, at P700 million ang bawat kongresista sa 2020 national budget.
Mong Pintolo

MANILA, Philippines – Iginiit ni Capiz Congressman Fredenil Castro ang paghingi ng paumanhin ni Sen. Panfilo Lacson sa Kamara de Representante at sa mga miyembro nito dahil sa kanyang mga mali at walang basehang paratang na may mga dagdag na pondo umano ang nakalakip sa proposed 2020 national budget para raw sa mga deputy speaker at iba pang kongresista. 

Bilang kinatawan ng Kamara, sinabi ni Castro na dapat na agad na mag-sorrry si Lacson dahil napatunayan palang “wala naman ni katiting na katotohanan”  ang mga alegasyon niyang may P1.5 bilyong dagdag na pondo raw ang bawat deputy speaker, at P700 million ang bawat kongresista sa 2020 national budget. 

Bilang isang “gentleman” at kapwa mambabatas, isang moral duty ni Lacson na aminin ang kanyang pagkakamali, dagdag pa ni Castro. 

Sinabi ito ni Castro matapos biglang baligtarin ni Lacson ang kanyang mga pahayag at sinabing sa halip na mabigyan ng mga dagdag na pondo ang bawat  deputy speaker at iba pang mga kongresista, hindi na raw ito itinuloy. Ayon kay Lacson, napag-alaman niyang hindi na daw pala itinuloy ang planong ito bago pa man ito naireport sa media. 

Sinabi pa ni Castro na makakatiyak ang publiko na sa ilalim ni Speaker Alan Peter Cayetano, walang makakalusot na pork o illegal insertion sa national budget. 

Nauna rito, sinabi ni Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC partylist na pawang kasinungalingan lamang ang mga naunang  alegasyon ni Lacson. 

Ayon kay Villanueva,  ang paratang ni Lacson ay isang “big, big lie!” 

Sinabi naman ni  House Majority Leader Martin Romualdez na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Lacson at hiniling sa senador na pangalanan niya ang pinagkuhanan ng maling  impormasyon.  

Ayon naman kay Senior Deputy Majo­rity Leader Jesus Crispin Remulla,  nagtataka siya kung saan nakuha ni Lacson ang mga paratang niya na para bang ang punto ay siraan lamang ang imahe ng Kamara de Representante sa halip na makipagtulungan na lamang para maisulong ang mga programang reporma ng Pangulo.

 

LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with