Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang 14 sa mga nakasakay. Isinugod naman sa Saint Gabriel Hospital ang mga nasagip para sa atensyong medikal.
Released/Philippine Coast Guard
Bangka ng Boracay dragon boat team tumaob, 7 patay
James Relativo (Philstar.com) - September 25, 2019 - 1:54pm

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang pito katao matapos tumaob ang sinasakyang bangka ng 21 miyembro ng Boracay Dragon Force Team, Miyerkules ng umaga.

Nangyari ang insidente 7:40 a.m. malapit sa Sitio Lingganay, Baranggay Manoc-Manoc sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang 14 sa mga nakasakay. Isinugod naman sa Saint Gabriel Hospital ang mga nasagip para sa atensyong medikal.

"Ang pagkikilanlan ng mga biktima ay hindi muna isasapubliko sa susunod na 24 oras hanggang masabihan ang susunod na kamag-anak," ayon sa PCG.

Sinasabing mga lokal ng lugar ang mga naaksidente.

Una nang naiulat na nawawala ang isa sa mga lulan ng bangka ngunit natagpuan din ang lahat kinalaunan.

Tumugon na rin Philippine Red Cross sa mga nasabing indibidwal.

"Nagbigay na ng psychological therapy ang aming team at naka-standby pa rin sa search and rescue operations," ani Sen. Richard Gordon, chairperson at chief operating chief executive officer ng PRC. — may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

BORACAY DRAGON BOAT PHILIPPINE COAST GUARD PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with