Ibinunyag ito ni dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief Benjamin Magalong kamakalawa sa isang executive session kasama ang mga senador.
File
Top PNP official protektor ng ‘narco cops’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mataas na opisyal ng PNP ang nagsisilbi umanong protektor at kumukunsinti sa ilegal na gawain ng kanyang mga tauhan.

Ibinunyag ito ni dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief Benjamin Magalong kamakalawa sa isang executive session kasama ang mga senador. 

Nabatid kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi ni Magalong na hindi pinaparusahan ng nasabing mataas na opisyal ang kanyang mga tauhan na sangkot sa ilegal na droga.

Pero wala naman aniyang sinabi si Magalong kung nakikinabang o may benepisyong nakukuha ang nasabing mataas na opisyal sa ginagawa ng kanyang mga tauhan.

Nauna rito, ibinunyag ni Magalong na tuloy pa rin ang pagre-recycle ng iligal na droga ng mga tiwaling pulis na tinawag niyang Agaw Bato scheme.

Kalimitan din aniya ay ibinebenta ng mga tiwa­ling pulis ang mas malaking bahagi ng nahuhuling  droga at ipinatutubos sa sindikato ang nahuhuli nilang Chinese drug lord.

Umaabot anya sa P50 milyon ang ransom na nakukuha ng mga tiwaling miyembro ng PNP.

BENJAMIN MAGALONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with