Pekeng tangke ng LPG nagkalat
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkalat umano sa merkado ang mga pekeng tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) na lubhang mapanganib sa publiko at maaaring pagsimulan ng sunog.

Bunsod nito kaya sumulat sa Department of Energy at Malakanyang ang pamunuan ng WQSY Marketing para hilingin sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na sa Department of Trade and Industry (DTI) na umaksiyon kaugnay sa umano’y pekeng LPG na may tatak na “Speed Gaz” na umabot na sa Pangasinan at Laguna.

Sa sulat na ipinara­ting kina Usec. Atty. Ruth Castelo ng Consumer Protection Group at Director Ronel Abrenica ng Fair Trade and Enforcement Bureau, pinangalanan ang pekeng LPG cy­linders na tumitimbang ng 2.7kg at 11kg na walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings.

Nakasaad din sa reklamo na ang mga tangke ng “Speed Gaz” ay sinasabing nagmula sa China kung saan dito na ina-assemble at pini­pinturahan subalit hindi sumailalim sa masusing pagsusuri ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular ang Phil. National Standard.

Nakasaad din sa liham na kahit na naabisuhan ang mga mamimili na may nakaambang peligro sa kanilang buhay ay patuloy pa rin tinatangkilik dahil sa mababa ang presyo.

“With due respect, it is very necessary that these finding be acted upon for the safety of the consumers especially those are the CD market since these are the consumers that used this type of cylinders,” paliwanag pa ng WQSY Marketing.

Sa nakalipas na buwan ay may naganap na pagsabog ng pekeng LPG tank sa Metro Manila at karatig lalawigan kung saan ilan ang namatay, nasugatan at milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

LPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with