^

Bansa

Recycling ng illegal na droga talamak pa rin

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Recycling ng illegal na droga talamak pa rin
Si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino nang humarap sa Senado kahapon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kinumpirma kaha­pon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na talamak pa rin ang recycling ng illegal na droga mula sa mga buy-bust operations.

Sa budget hearing ng pondo ng PDEA para sa 2020, tinanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ahensiya kung nangyayari pa rin ang recycling ng ilegal na droga. 

Ayon kay Aquino, may mga impormasyon sila mula sa kanilang assets na ginagawa pa rin ang recycling ng ibang ahensiya ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Aquino may mga pagkaka­taon hindi isinusuko ang kabuuan ng nahuhu­ling droga at itinatabi ang kahalati nito para magamit sa susunod na operasyon o kaya ay ibinebenta.

Inamin din ni Aquino na nasa P22 bilyong ha­laga ng ilegal na droga kung saan ang P20 bil­yon ay shabu na nananatili sa inventory ng gobyerno at hindi pa nasisira.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson dapat ay sinisira na ang nakumpiskang ilegal na droga sa loob ng 72 oras.

Aminado rin ang Philippine National Police na nangyayari ang ibinunyag ng PDEA na talamak pa rin ang recycling ng illegal na droga ng mga tiwaling pulis, ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ito ang pangunahing dahilan kung bakit pursigido ang PNP sa internal cleansing upang tanggalin ang mga bugok na pulis na nagsisilbing batik sa hanay ng orga­nisasyon.

vuukle comment

AARON AQUINO

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with