Heinous crimes puwera sa GCTA sa Revised IRR

Sa pirmahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año sa bagong IRR ng batas, isa-isa ring nilinaw ng dalawang ahensiya ang nakapaloob dito.
File

MANILA, Philippines — Hindi kasama ang mga nasentensiyahan sa heinous crimes sa inilabas na bagong Implementing Rules and Regulations para sa Good Conduct Time Allowance.

Sa pirmahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año sa bagong IRR ng batas, isa-isa ring nilinaw ng dalawang ahensiya ang nakapaloob dito. 

Isa sa mga mahahalagang nakalagay sa IRR na hindi na magiging kuwalipikado sa kahit anumang time allowances ang mga convicted recidivists, habitual delinquents, escapists at ang mga heinous crimes convicts.

Nilinaw din sa IRR na kabilang sa tinatawag na heinous crime ang treason, piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, kidnapping and serious illegal detention, robbery with violence, destructive arson, rape, plunder, some drug-related offenses, at carnapping with rape o homicide.

Sinabi naman ni Guevarra sa mga presong napalaya ng GCTA na kung hindi sila kasama sa mga nabanggit ay walang problema sa kanilang paglaya.

Show comments