Pinas apektado sa Saudi oil attack

MANILA, Philippines — Naniniwala si DFA Sec. Teddy Locsin na lubhang maaapektuhan ang Pilipinas kasunod ng pag-atake ng mga rebelde sa Saudi oil facilities nitong Sabado na siyang biggest crude exporter sa buong mundo.

Ginawa ni Sec. Locsin ang pahayag sa kanyang Twitter account kahapon kasunod ng pag-atake ng Iranian-based na Houthis group sa Yemen na umatake sa dalawang planta ng langis na itinuturing na ‘heart of the Saudi oil industry’.

Paralisado ngayon ang produksiyon ng la­ngis na nasa 5.7 million barrels per day (bpd) ang production, higit sa kalahati na output ng Saudi sa isang araw.

Malaking bulto ng langis ay nagmumula sa produksyon ng Saudi Arabia bukod sa ibang oil exporting countries kaya ang pag-atake dito ay malaking epekto sa Pilipinas.

“Seryoso ito. Malalim ang magiging epekto sa atin. Ang oil shortage o matinding pagtaas ng presyo ng langis ay magpapayanig sa Pilipinas,” sabi pa ni Locsin.

Sinabi pa niya na ang pagdedeklara ng state of emergency ay hindi makakasalba sa ating ekonomiya kundi papatay dito.

Show comments