Layunin ng Pangulo dito ay “hatakin” ng MMDA o HPG ang ambulansiya upang makalusot sa matinding trapiko.
Sen. Richard Gordon/Twitter
Ambulansiya sa trapik eskortan - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na eskortan nito ang mga ambulansiya na may sakay na pas­yente upang umabot sa pagamutan at malapatan ng lunas matapos mapaulat na may namatay na pasyente sa ambulansiya dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.

“Maybe I will ask all itong, lahat na, Metro Manila, Highway Patrol, ‘pag may emergency... ‘Pag may nakikitang siren, itabi nila para makalusot. Maybe that will be a mandatory work for them,” wika ng Pa­ngulo.

Layunin ng Pangulo dito ay “hatakin” ng MMDA o HPG ang ambulansiya upang makalusot sa matinding trapiko.

Tinanong din ang Pangulo kung ano ang puwedeng gawin sa emergency patients na lulan ng ambulansiya na naiipit sa trapiko upang hindi mamatay sa daan.

‘Yan ang walang sagot, ma’am. Kung may helicopter siguro, angklahan mo,” sagot ng Pangulo na halos susugan ang panukala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gumamit ng military chopper para ma-airlift ang mga pasyente.

Wala na ring balak ang Pangulo na humingi ng emergency powers sa paglutas ng trapiko sa EDSA at isinisi ito kay Sen. Grace Poe dahil sa pagkontra nito sa pagbibigay ng emergency power sa kanya.

“Sabi ko, let it rot...sabi ko may solution, sabi niyo may corruption. ‘Yan ang legacy niya,” dagdag ng Pangulo.

Samantala, handa naman ang MMDA na bigyan ng escort ang mga ambulansiya para mas mapabilis ang kanilang biyahe patungo sa mga pagamutan.

Ngunit nilinaw ni MMDA spokesperson Celine Pialago na maaari lamang nila itong gawin sa mga ambulansiya na may sakay na “emergency patients”.

Maaari umano na humingi ng tulong ang tsuper ng ambulansiya sa sinumang traffic enforcers sa kalsada para mabigyan sila ng escort para masagip ang buhay ng kanilang pasyente.

Una nang sinabi ni Pialago na nasa 405,882 ang average na bilang ng sasakyan na dumaraan sa EDSA mula Ene­ro hanggang Agosto 2019. Higit na mas mataas ito sa 2018 average na 383,828.

Inaasahan pa na mas lalo pang magiging siksikan sa kalsada dahil sa madadagdagan ng 20 porsyento ang volume ng sasakyan sa darating na Christmas season. Danilo Garcia

 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with