_ngayon
^
Trillanes idiniin sa sedition
Sa article ni Sabio sa Mindanao Star na lumabas din sa Manila Times, sinabi niya na nire-recruit siya ni Trillanes noong Abril upang maging abugado ni Peter ‘Bikoy’ Advincula na unang lumutang sa viral video na “totoong narcolist”.
Geremy Pintolo Trillanes charged over

Trillanes idiniin sa sedition

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalo pang nadiin sa kasong sedition si ex-Sen. Antonio Trillanes dahil sa nakatakdang pagtestigo laban sa kanya ni Atty. Jude Sabio, ang naghain noon ng reklamo sa International Criminal Court (ICC) laban sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

“If forced to do so by process, how can I refuse in the interest of truth,” wika ni Atty. Sabio sa ABS-CBN News noong Biyernes.

Sa article ni Sabio sa Mindanao Star na lumabas din sa Manila Times, sinabi niya na nire-recruit siya ni Trillanes noong Abril upang maging abugado ni Peter ‘Bikoy’ Advincula na unang lumutang sa viral video na “totoong narcolist”.

Nag-viber daw sa kanya ang staff ni Trillanes upang maging abugado ni Bikoy dahil magsasampa ng kaso sa Ombudsman pero hindi ito natuloy.

Nagkita sila ni Trillanes noong Abril 29 sa isang hotel sa QC kung saan pinayuhan niya ito na huwag ng ituloy ang plano nito kay Bikoy pero hindi ito nakinig.

Wika pa ni Sabio na wala siyang alam kung si Trillanes ang nasa likod ng ouster plot laban kay Pangulong Duterte gamit si Bikoy pero naniniwala siyang may malalim na involvement ito.

“Ang impression ko at that time, dahil kinukuha niya akong abogado, it only means na malalim ang involvement niya sa Bikoy na ‘yan,” wika ni Sabio.

Sinabi pa ni Sabio, umabot din sa P700,000 ang unpaid bill sa kanya ng grupo ni Trillanes ng mag-abogado siya kay Edgar Matobato na whistle-blower laban sa Davao Death Squad ni Duterte sa Senate investigation.

ANTONIO TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with