^

Bansa

Digong, Go nakatutok sa pag-unlad ng Mindanao

Pilipino Star Ngayon
Digong, Go nakatutok sa pag-unlad ng Mindanao
Sa kanyang talumpati sa 72nd Founding Anniversary celebration ng Sultan Kudarat sa Maguindanao, sinabi ni Sen. Go na ang Build, Build, Build program ng kasalukuyang administrasyon ay matagumpay nang naisasakatuparan sa iba’t ibang panig ng bansa habang ang Mindanao railway transportation system ay sinisimulan na rin.
File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Bong Go na siya at si Pangulong Duterte ay kapwa nakatutok o naka-monitor sa paghahatid ng mga pangunahing programa na tumutulong sa pagpapanatili ng kaunlaran sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati sa 72nd Founding Anniversary celebration ng Sultan Kudarat sa Maguindanao, sinabi ni Sen. Go na ang Build, Build, Build program ng kasalukuyang administrasyon ay matagumpay nang naisasakatuparan sa iba’t ibang panig ng bansa habang ang Mindanao railway transportation system ay sinisimulan na rin.

Determinado rin siyang ma-institutionalized ang inisyatiba niyang Malasakit Center sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 199, kilala rin bilang Malasakit Center Act of 2019.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 40 Malasakit Centers sa iba’t ibang lugar sa bansa, kasama na ang nasa Cotabato at Zamboanga sa Mindanao. 

Kinumpirma niya na ang pagtatayo ng isa pang Malasakit Center sa Maguindanao ay sinisimulan na.

Layon ng Malasakit Center na hindi na pagbayarin ang mga pasyente o ang kanilang pamilya ng mga gastusin sa ospital.

“’Di na kayo kailangan lumabas pa ng ospital (para maghanap ng suporta para sa hospital bills) kung maisabatas na po itong Malasakit Center. Nasa loob na po ng government hospital ‘yung iba’t ibang ahensya ng gobyerno, apat (na ahensya) – PCSO, Philhealth, DOH at DSWD at magtutulong tulong po sila, mag-aambag-ambag po sila para sa mga hospital billing,” paliwanag ng senador.

 

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with