Cardema posibleng makulong - Comelec

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, iniimbestigahan na ng Comelec law department si Cardema at iba pang nominado ng youth partylist sa dalawang kaso ng material misrepresentation.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nanganganib na ma­kulong si dating Youth Commissioner Ronald Cardema at iba pang nominado ng Duterte Youth partylist group.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, iniimbestigahan na ng Comelec law department si Cardema at iba pang nominado ng youth partylist sa dalawang kaso ng material misrepresentation.

Ipinaliwanag ni Guan­zon na maitutu­ring na criminal offense ang pagsisinungaling ng mga nominado ng partido sa kanilang certificate of nomination na kwalipikado silang maging kinatawan ng youth sector gayung overage na sila.

Sa ilalim ng partylist system act, ang kinatawan ng youth sector ay hindi dapat lalampas ng 30 anyos sa panahon ng eleksyon.

Sakaling mapatu­nayang guilty, hindi lamang kulong ang parusa kay Cardema at mga kasamahan nito kundi habangbuhay na silang hindi maaaring humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Show comments