Cusi dedma sa renewable energy
MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Sec. Alfonso Cusi na huwag nang upuan sa halip ay ipatupad ang implementasyon ng direktiba ni Pangulong Duterte hinggil pagpapaunlad sa Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon.
Ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P at tagapagsalita ng consumer group na Murang Kuryente, igigiit nila na i-formalize na ang direktiba ng Pangulo ukol sa RE at carbon sa pamamagitan ng Executive Order.
Binigyang diin naman ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) National Coordinator Ian Rivera na ang DOE sa ilalim ni Cusi ay nagsilbing ‘instrumental’ para sa pagsusulong ng coal projects sa bansa na idineklara bilang ‘Energy Projects of National Significance.
Nabatid na inaprubahan ng DOE bilang head agency, ng Energy Investment Coordinating Council (EICC) ang kontrobersiyal na proyekto, gaya ng 1,200 MW Atimonan power station at 15 MW DMCI-backed coal power plant sa popular tourist destination, sa Palawan.
- Latest