Sinabi ni PACC Comm. Greco Belgica na nagsimula ang imbes­tigasyon sa 2 Cabinet members noong Pebre­ro 2019 at inaasahang matatapos nila sa Oktubre ang report na isusumite kay Pangulong Duterte.
Michael Varcas
2 Cabinet members iniimbestigahan sa korapsiyon
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Gabinete ang iniim­bestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y corruption.

Sinabi ni PACC Comm. Greco Belgica na nagsimula ang imbes­tigasyon sa 2 Cabinet members noong Pebre­ro 2019 at inaasahang matatapos nila sa Oktubre ang report na isusumite kay Pangulong Duterte.

Tumanggi muna si Belgica na pangalanan ang dalawang opisyal na pawang “incumbent” na may “Cabinet rank”.

“Unfair pangalanan ang 2 members ng Cabinet dahil hindi naman ibig sabihin na iniim­bestigahan sila sa alegasyon ng corruption ay guilty na agad sila,” sabi ni Belgica.

Ang reklamo ay inihain ng isang opisyal mula sa departamento ng Cabinet member habang ang isa ay isinampa ng isang private citizen.

Idinagdag pa ng PACC official na coope­rative naman ang mga ito sa ginagawa nilang imbestigasyon.

CORRUPTION GRECO BELGICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with