Revolutionary government huling baraha ni Digong

Si Pangulong Duterte habang nagbibigay ng mensahe sa oath-taking ng newly elected officers ng League of Provinces of the Philippines sa Malacañang kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ang pagtatayo ng revolutionary government ang huling baraha ni Pangulong Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo, kapag hindi nakamit ni Pangulong Duterte ang kanyang objectives dahil sa iba’t ibang balakid ay magiging huling baraha nito ang pagtatayo ng revolutionary government.

Iginiit ng Pangulo na isusulong pa rin niya ang paglaban sa corruption at illegal drugs sa nalalabi niyang 3 taon sa kanyang termino.

“We’re lucky to have this kind of president. He works like a horse. He doesn’t even sleep,” dagdag ni Panelo.

Siniguro din ni Panelo na matatapos ni Pangulong Duterte ang kanyang termino hanggang 2022.

“Duterte will finish his term. That’s for sure,” paniniguro pa ni Panelo.

Show comments