P4-B pondo sa magsasaka sa’n napunta? - Villar
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Sen. Cynthia Villar kung saan napunta ang P4 bilyong pondo na para sana sa mga programa ng magsasaka upang tumaas ang kanilang produksyon sa ilalim ng Rice Tarrification Law.

Nakasaad sa batas na dapat ay P10 bilyon ang pondo kada taon mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na kukunin sa tariff collection sa imported rice, ayon kay Villar na chair ng senate committee on agriculture and food.

Nasa P5 bilyon ang ipinalabas ng Department of Budget and Management sa Department of Agriculture noong Disyembre kahit naging batas lamang ang rice tariffication noong Pebrero 2019.

“Hindi nila (DA) dinala sa RCEF kasi wala pa raw iyung batas. Sana hindi ginasta at pinaghintay sa batas,” wika ni Villar.

Aniya, sa P5B na bi­ni­gay sa DA ay P1B lamang ang inilagak sa Land Bank para ipautang sa magsasaka.

“Ang natirang hindi ma-account, P4 billion,” dagdag ni Villar.

VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with