Muling nahalal si Sen. Vicente Sotto III bilang pangulo ng Senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Sa larawan, nanumpa siya sa harap ni Sen. Panfilo Lacson.
Geremy Pintolo
Sotto muling nahalal na Senate President
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagsisimula ng sesyon ng 18th Congress, mu­ling nahalal kahapon bilang lider ng mataas na kapulungan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Tumayo bilang pansamantalang presiding officer si Senate President Pro Tempore Ralph Recto para pangunahan ang paghahalal ng bagong senate president.

Nauna rito, nanumpa kay Sotto ang mga nanalong senador noong May elections na sina Senators Nancy Binay, Cynthia Villar, Sonny Angara, Aquilino “Koko” Pimentel III, Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher “Bong” Go,  Pia Cayetano, at Francis Tolentino.

Si Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag nominate kay Sotto bilang Senate President na sinigundahan naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Tumayo rin si Senator Pia Cayetano para kay Recto upang segundahan ang nominasyon ni Sotto.

Nanumpa naman si Sotto kasama ang kanyang pamilya sa harap ni Lacson.

Nauna rito naghain ng manifestation si Senate Miniroty Leader Franklin Drilon upang ipaalam na nag-aabstain ang minorya sa botohan.

RALPH RECTO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with