Mahahalal na Speaker tatanggapin ni Duterte

Ipinahiwatig ni Panelo, wala namang “choice” ang Pangulo dahil ang pinal na magdedesisyon sa pagpili ng Speaker ay ang mga miyembro ng Kamara.

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tatanggapin ni Pangulong Duterte kung sino man ang mahalal na Speaker ng House of Representatives bukas.

Ipinahiwatig ni Panelo, wala namang “choice” ang Pangulo dahil ang pinal na magdedesisyon sa pagpili ng Speaker ay ang mga miyembro ng Kamara.

“Does he (Duterte) have a choice if one is elected Speaker? I don’t think he has a choice, ‘di ba?,” sabi ni Panelo.

Muling iginiit ni Panelo na ang mga mambabatas ang lumapit sa Pangulo para maresolba ang isyu tungkol sa susunod na Speaker kung saan pinaboran niya si Rep. Alan Peter Cayetano bagaman at hindi ito sinusuportahan ng kanyang anak na si Davao City Rep. Paolo Duterte.

“Basta ang line ni Presidente, parang inulit niya nga kagabi, “Basta they came to me; they sought my help; I gave them the formula.” So it’s their ball. The ball is in their hand,” sabi ni Panelo.

Samantala, nakatitiyak din si Panelo na si Duterte pa rin ang magiging “star” sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes sa gitna nang isyu kung sino talaga ang mauupong Speaker.

“Kahit naman may ruckus, palaging si Presidente presidente pa rin: Siya pa rin ang star,” sabi ni Pa­nelo.

Show comments