^

Bansa

Game over na kay Okada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Game over na para kay Japanese pachinko king Kazuo Okada matapos ang magkahiwalay at sunud-sunod na desisyon ng mga korte sa Japan at Pilipinas laban sa kanya.

Sa 12-pahinang desisyon noong July 10, ibinasura ng Tokyo High Court ang apela upang ipawalang bisa ang district court decision na nagpatibay sa ‘trust agreement’ na ginawa ng babaeng anak niyang si Hiromi pabor sa kanyang kapatid na si Tomohiro na nagbibigay ng voting rights at disposal of shares ni Hiromi kay Tomohiro sa Hong Kong-based na Okada Holdings, ang majority shareholder ng Universal Entertainment Corp. (UEC).

Ang UEC, isang publicly-listed company sa Japan, ang nagmamay-ari ng 99.99 porsiyento ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI), ang Pilipinong kumpanya na nagmamay-ari at nagpapatakbo naman ng magarang Okada Manila Resort sa Parañaque.

Sa nauna at hiwalay na desisyon naman noong July 4, ibinasura ng Parañaque regional trial court ang pakiusap ni Kazuo na isantabi ang mga warrant para siya arestuhin dahil sa krimeng paglustay umano ng TRLEI funds na mahigit $3.1 milyon noong siya pa ang chairman at chief executive officer ng hotel at gaming company.

Dahil sa July 10 decision nito, tinuldukan ng Tokyo High Court ang mga pagtatangka ng gaming tycoon na muling mabawi ang pamamalakad ng UEC at TRLEI sa pamamagitan ng pagwalang bisa sa trust agreement nina Tomohiro at Hiromi, na may 9 porsiyentong voting shares sa Okada Holdings.

Ang nakakatandang Okada ay nahaharap din sa pagkakulong sa Pilipinas dahil sa kasong estafa kaugnay ng iligal na paggamit ng company funds.

 

vuukle comment

OKADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with