Sa naturang batas, hindi lang sa mga sasak­yang panlupa tulad ng jeepney at bus merong diskuwento sa pasahe ang mga estudyante kundi pati na rin sa mga eroplano at barko.
Student fare act ‘wag hanapan ng butas - LCSP
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) laban sa mga operator ng anumang uri ng pampublikong sasakyan na huwag hanapan ng butas ang Student Fare Act para lang hindi maibigay ang benepisyo ng mga kabataang mag-aaral mula sa naturang batas.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founding president ng LCSP, buong puso ang suporta nila sa Student Fare Act  kaya dapat na malinaw na mabuti ang implementasyon ng naturang batas.

Sa naturang batas, hindi lang sa mga sasak­yang panlupa tulad ng jeepney at bus merong diskuwento sa pasahe ang mga estudyante kundi pati na rin sa mga eroplano at barko.

Sinabi ni Inton na da­pat linawing mabuti ang implementasyon ng batas upang hindi magdulot ng kalituhan sa mamamayan.

Inihalimbawa niya ang sa TNVS na kailangan malinaw ang sistema ng diskuwento lalo pa kung ang magulang ang magpapa-book para sa anak niyang estudyante.

Anya, sa mga eropla­no at barko ay hindi rin  malinaw kung may discount ang mga mag-aaral sa kanilang mga “Promo” flights.

LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION STUDENT FARE ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with