Parusa sa perjury itataas

Sa Senate Bill No. 8, nakasaad na mistulang binabalewala na lamang ang mga sinusumpaang salaysay sa korte dahil sa liit ng parusa.
File Photo

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado na itaas ang parusa sa mga nagsisinungaling na testigo na nakakasuhan ng perjury.

Sa Senate Bill No. 8, nakasaad na mistulang binabalewala na lamang ang mga sinusumpaang salaysay sa korte dahil sa liit ng parusa.

Layunin ng panukala na amiyendahan ang Article 183 ng Revised Penal Code upang maitaas ang parusa na sa ngayon ay anim na buwan lamang hanggang dalawang taon.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, awtor ng panukala, ang maiikling jail term ang posibleng dahilan kaya mistulang napaglalaruan ang batas o ang korte.

Nais ni Sotto na tumulad ang bansa sa State of California kung saan ikinokonsidera ang perjury na isang capital offense o kaya ay sa Queensland, Australia na ang “false testimonies” ay maaring patawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Show comments