^

Bansa

'Falcon' posibleng maging tropical storm sa susunod na 24 oras

James Relativo - Philstar.com
'Falcon' posibleng maging tropical storm sa susunod na 24 oras
Samantala, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands) at Northern Isabela (district 1 at 6).
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Posibleng lumalakas pa ang hagupit ng bagyong "Falcon" na sa ngayo'y isang tropical depression ayon sa pinakahuling ulat ng weather bureau alas-onse ng umaga.

"Possible pa rin, within 24 hours, or by tomorrow morning, ay tropical storm na ito," ayon kay Department of Science and Technology-PAGASA weather specialist Benison Estareja.

Namataan ang bagyo 510 kilometro silangan ng Tugegarao City, Cagayan kaninang alas-singko ng umaga.

Taglay nito ang lakas na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro, na may pabugso-bugsong 70 kilometro kada oras (na lumakas mula sa noo'y 65 lamang).

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Posibleng lumapit o tumama ito sa kalupaan ng Babuyan Group of Islands o Batanes bukas ng gabi, ika-17 ng Hulyo.

Maaari namang lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility Huwebes ng gabi o Biyernes.

Itinaas naman angTropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang lugar.

Signal No. 1:

  • Batanes
  • Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • Northern Isabela (district 1 at 6) 

"Kapag meron po tayong Signal Number 1, automatically po pagbabawalan ang anumang sea travel sa anumang uri ng sasakyang pandagat," paalala ni Estareja.

Samantala, umiiral pa rin ang Hanging Habagat sa bansa na nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas at Western Mindanao.

Dahil sa mga umiiral na weather systems, maaaring maranasan ang sumusunod hanggang bukas ng umaga:

Katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan

  • Rehiyon ng Ilocos
  • Cordillera
  • Cagayan
  • Occidental Mindoro
  • Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands)
  • Panay Islands
  • Guimaras

Mahihina hanggang katamtamang pag-ulan na minsa'y malakas

  • Natitirang bahagi ng Luzon
  • Natitirang bahagi ng Visayas

vuukle comment

FALCON

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with