Social welfare attaché sa mga OFW itatalaga

Ang Republic Act no. 11299 na ipinalabas kahapon ng Malakanyang ay nag-aamyenda sa Republic Act no. 8042 o “Migrant Workers Overseas Filipinos Act of 1995” para ibilang ang naturang tanggapan.

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang isang batas na lumilikha sa Office for Social Welfare Attache na tutulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na sa mga biktima ng illegal recruitment.

Ang Republic Act no. 11299 na ipinalabas kahapon ng Malakanyang ay nag-aamyenda sa Republic Act no. 8042 o “Migrant Workers Overseas Filipinos Act of 1995” para ibilang ang naturang tanggapan.

Itinatadhana ng batas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtalaga ng social welfare attaches sa mga bansa na may maraming OFW.

Inaasahang panga­ngasiwaan ng social attaché ang mga kaso ng distressed OFW, mag-survey sa sitwasyon ng mga OFW, magtatag ng network ng overseas-based social welfare agencies, at  imonitor ang mga reklamo o mga tanong ng mga OFW at ng kanilang pamilya.

Magiging prayoridad ng bagong tanggapan ang mga OFW na na­ngangailangan ng psychosocial services lalo na yaong biktima ng illegal recruitment o trafficking, panggagahasa, abusong seksuwal, pagmamaltrato at iba pang pang-aabuso.

Show comments