^

Bansa

Istruktura patibayin vs lindol – solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Istruktura patibayin vs lindol � solon
Ang panawagan ni Palmones ay kasunod ng 5.6 lindol sa Cotabato noong Martes ng gabi na sinundan pa ng may 100 malalakas na aftershocks kinabukasan na naramdaman din sa Bukidnon, Cagayan de Oro at sa Toril Davao na umabot sa intensity 2.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Umapela si Agham party list Rep. Angelo Palmones sa DTI at DILG na siguruhin na ang mga matataas na gusali at mga istraktura sa bansa ay matibay at hindi madaling guguho sa sandaling magkaroon ng malakas na lindol.

Ang panawagan ni Palmones ay kasunod ng 5.6 lindol sa Cotabato noong Martes ng gabi na sinundan pa ng may 100 malalakas na aftershocks kinabukasan na naramdaman din sa Bukidnon, Cagayan de Oro at sa Toril Davao na umabot sa intensity 2.

Nabatid umano ni Palmones, na ang malala­king steel manufaturers ay pinapalitan ang micro-alloyed (MA) steel rebars ng quenched tempered (QT) steel na ginagamit sa pagtatayo ng daan-daang mataas na istraktura ng hindi alam ng contractors, developers at mga nasa industriya ng construction.

Dahi dito nalalagay umano sa kompromiso ang mga istraktura sa bansa at nalalagay din sa alanganin ang buhay ng libu-libong Filipino.

Anya, ang substandard construction materials, partikular na ang reinforcement bars (rebars) ay hindi kayang tumayo sa magnitude 7.2 magnitude na lindol.

Duda ni Palmones, may sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno partikular na sa DTI at Bureau of Product Standard (BPS) para mapagtakpan ang nakaambang kapahamakan ng rebars na gawa sa QT process.

vuukle comment

ANGELO PALMONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with