Sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde na posibleng napupulitika lang ang isyu laban sa drug war ng pamahalaan kaya nakikisawsaw ma­ging ang Amnesty International.
Michael Varcas
PNP pumalag sa AI na ‘killing fields’ ang Bulacan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Philippine National Police ang patutsada ng Amnesty International, isang London based international human rights group, na ‘Bloodiest Killing Fields’ ang lalawigan ng Bulacan kaugnay ng kampanya kontra droga ng admi­nistrasyon ni Pangulong Duterte.

Sinabi  ni PNP Chief General Oscar Albayalde na posibleng napupulitika lang ang isyu laban sa drug war ng pamahalaan kaya nakikisawsaw ma­ging ang Amnesty International.

Ayon kay Albayalde, hindi lang sa Bulacan merong mga operasyon laban sa droga bukod sa napakalaki ng lalawigang ito na merong isang mil­yong populasyon. Hindi lang anya ito nangyayari sa isang bayan lang o sa Bulacan lang. 

“Kung nangyari yan sa isang barangay, baka merong dahilan para maalarma. Pero alam nating hindi lang sa Bulacan nagaganap ang operasyong ito,” sabi pa ni Albayalde.

Binigyang diin ni Al­ba­­­yalde na bagaman ni­reres­peto ng PNP ang pahayag ng Amnesty International ay may sarili ng criminal justice system na siyang may hurisdiksyon sa mga kaso sa bansa na makakaya na ritong resolbahin.

Sa pahayag naman ni Bulacan Provincial  Director Police Colonel Chito Bersaluna, nagtatrabaho lang ang mga pulis at itinataya ang sarili nilang buhay at career para sa lahat ng mamamayan ng lalawigan.

“Base sa aming talaan mas higit na marami po tayong nahuli na matiwasay na sumuko tuwing mayroong aarestuhin at sa mga operations. Pero kung mag-offer po sila ng violent resistance at gumamit ng dahas at pumutok ng baril nila, nakahanda po tayo riyan. Gusto po natin na walang sino man na mapinsala/masaktan sa panig ng mga suspek man at sa aming kapulisan. Nireres­peto po natin ang bawat karapatan ng isang tao maging suspek o kriminal man ito,” sabi pa ni Bersaluna.

AMNESTY INTERNATIONAL BLOODIEST KILLING FIELDS OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with