Sa isang ambush interview ay idinetalye ni Pa­ngulong Duterte kung paano siya nilapitan sa kanyang kuwarto sa Japan nina Cayetano at Velasco at napagkasunduan ang term sharing kung saan mauupo si Cayetano ng 15 buwan at ang susunod na 21 buwan ay kay Velasco.
Term-sharing sa Speakership totoo - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pangulong Duterte na may nabuong term sharing sa House Speakership sa pagitan nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa isang ambush interview ay idinetalye ni Pa­ngulong Duterte kung paano siya nilapitan sa kanyang kuwarto sa Japan nina Cayetano at Velasco at napagkasunduan ang term sharing kung saan mauupo si Cayetano ng 15 buwan at ang susunod na 21 buwan ay kay Velasco.

“Ganun ang proposal. Pumayag na si Cayetano but si Velasco mukhang last minute nag-back out,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.

Unang kinumpirma ni Cayetano ang konsepto ng term sharing upang maresolba ang gusot sa Speakership. Sinang-ayunan umano ito ng magkabilang panig at inaprubahan ng Pangulo subalit kalaunan ay umatras si Velasco at nanindigang walang ganitong kasunduan.

“President Duterte never mentioned term sharing when he told lawmakers to decide among themselves who should be the next speaker,” nakasaad sa statement ni Velasco.

Hati naman ang mga mambabatas sa isyu ng term sharing dahil na rin sa usapin ng stability ng Kamara ngunit may ilan na pabor lalo at inexperience si Velasco para pamunuan ang 3 taong buong termino.

Naniniwala din ang political analyst na si Ranjit Rye na term sharing ang sagot sa isyu sa Speakership. Aniya, magreresulta sa pagkahati-hati ng partido kung ipipilit na mamili sa pagitan nina Velasco at Cayetano na kapwa may mga kaalyadong kongresista. 

ALAN PETER CAYETANO LORD ALLAN VELASCO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with