^
Maliliit na bata libre sa sinehan ng sikat na mall chain
Tanging mga batang apat na talampakan pababa na may kasamang magbabayad na matanda ang makagagamit ng promong ito mula ika-19 ng Hunyo hanggang ika-17 ng Disyembre.
The STAR/Miguel de Guzman, File

Maliliit na bata libre sa sinehan ng sikat na mall chain

(Philstar.com) - June 27, 2019 - 2:21pm

MANILA, Philippines — Ibinalik ng isang sikat na mall ang kanilang "Kids Watch For Free" promo, na nagbibigay ng isang libreng ticket sa mga bata sa kanilang mga sinehan.

Sa isang pahayag ng SM Supermalls, sinasabing tanging mga batang apat na talampakan pababa na may kasamang magbabayad na matanda ang makagagamit ng promong ito mula ika-19 ng Hunyo hanggang ika-17 ng Disyembre.

Sinimulang ialok ng SM Cinemas ang Kids Watch For Free promo noong nakaraang taon, kasabay ng mga pelikulang angkop sa kanilang gulang.

Ang panuntunan naman para sa upuan ng mga bata ay mananatiling "first come, first serve," kung kaya't paunahan ito sa pwesto. 

"Seats will be chosen at the ticket counter upon checking of kid's height," sabi ng statement.

(Mapipili ang mga upuan sa bilihan ng ticket pagkatapos suriin ang tangkad ng bata.)

Nanatiling may bayad ang mga batang isang taon pataas sa ibang sinehan. 

Ito ang iskedyul ng mga pelikulang saklaw ng promo ngayong taon:

  • Elephant Soliman: ika-19 Hunyo  hanggang ika-2 ng Hulyo
  • Toy Story 4: ika-3 ng Hulyo hanggang ika-17 ng Hulyo
  • The Lion King: ika-13 ng Hulyo hanggang ika-13 ng Agosto
  • Luis and the Aliens: ika-24 ng Hulyo 24 hanggang ika-30 ng Hulyo
  • Cinderella: ika-7 ng Agosto hanggang ika-13 ng Agosto
  • Playmobil: ika-14 ng Agosto hanggang ika-20 ng Agosto
  • Princess in Wonderland: ika-4 ng Setyembre hanggang ika-18 ng Setyembre
  • Shaun the Sheep: ika-9 ng Oktubre hanggang ika-15 ng Oktubre
  • Marnie: ika-16 ng Oktubre hanggang ika-29 ng Oktubre
  • Maleficent 2: ika-30 Oktubre hanggang ika-13 ng Nobyembre
  • Frozen 2: ika-4 ng Disyembre hanggang ika-17 ng Disyembre

Pwedeng magamit ng mga patron ang promo sa SM Cinema, IMAX at Director’s Club sa lahat ng sangay ng SM. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

CINEMA MOVIES SM MALLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with