Sinabi ni Sen. Go na dapat munang unahin ang education campaign para sa bagong porma ng gobyerno upang malaman ng mga Pilipino ang pros and cons nito sa isang lugar.
Edd Gumban
Federalism malabo pa
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Senator-elect Bong Go na malabo pang matupad ang isinusulong na federalism ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Sen. Go na dapat munang unahin ang education campaign para sa bagong porma ng gobyerno upang malaman ng mga Pilipino ang pros and cons nito sa isang lugar.

Ayon kay Go, kailangang malaman ng mga mamamayan ang benepisyo ng pederalismo sa kanila bago ito pag-usapan sa Kongreso at Senado.

Iginiit ni Go na dati na niyang  sinabi na long shot ang pederalismo kaya kailangan pa ng mahabang panahon para ito pag-usapan at isulong.

Maging si Pangulong Duterte ay kumbinsido na hindi pa agad maisasakatuparan ang isinusulong nitong pederalismo dahil kailangan pa ng panahon upang maipabatid sa taumbayan ang kahalagahan nito.

FEDERALISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with