Ayon kay Drilon, pa­ngunahing awtor ng panukala, walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan dahil may proteksiyon sa kanilang privacy at mas mapapabilis pa ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
PSA/facebook
Privacy sa National ID tiniyak
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may sapat na proteksiyon ang ipatutupad na National Identification System Act.

Ayon kay Drilon, pa­ngunahing awtor ng panukala, walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan dahil may proteksiyon sa kanilang privacy at mas mapapabilis pa ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Ginawa ni Drilon ang pahayag upang tanggalin ang takot ng publiko matapos ihayag ng Malacañang na sisimulan ang pilot testing ng national ID system sa Setyembre.

Sinabi rin ni Drilon na labag sa batas ang pagsisiwalat ng impormasyon ng mga mamamayan at may katapat na parusa ang sinumang gagamit ng ID system sa maling paraan.

Kapag naipatupad na aniya ang ID system, magiging madali na ang pagkuha ng mga basic services mula sa gobyerno at mas mapapadali ang pagtukoy ng isang indibiduwal sa kanilang sarili at magkakaroon ng mas mabilis na berepikasyon ng impormasyon. 

Ipinaliwanag din ni Drilon na ang mga impormasyon na kinukuha sa mga kasalukuyang IDs na ibinibigay ng gobyerno ay kapareho rin lang ng mga impormasyon na ilalagay sa national ID system.

Ang ID na ibibigay sa mga mamamayan ay kikilalanin din sa mga transaksiyon sa mga pribadong institusyon.

FRANKLIN DRILON NATIONAL ID SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with