Binanggit ni Rye ang competency o may mastery of the rules, karanasan, kredibilidad, at iginagalang ito sa lahat ng sektor.
Boy Santos
4 katangian dapat taglayin ng Speaker
(Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na katangian ang dapat daw taglayin ng isang Speaker, ayon kay UP Professor at political analyst Ranjit Rye.

Binanggit ni Rye ang competency o may mastery of the rules, karanasan, kredibilidad, at iginagalang ito sa lahat ng sektor.

Binanggit niya si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na bagaman hindi abogado ay malawak naman ang karanasan sa legislation dahil naging Pangulo, Vice President at Senador ito.

Ani Rye, kapwa financial strength at connection sa business group ang nakikita niyang kuwalipikasyon nina Leyte. Rep Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco subalit hindi ito ang dapat na maging sukatan sa pagpili ng susunod na Speaker kundi nakatuon dapat sa apat na criteria at values.

Kung si Romualdez umano ang maihalal na House Speaker, bagamat may experience ito bilang mambabatas ay mayroon naman umano itong “highly controversial background” dahil sa kanyang pagiging malapit na kamag-anak ng mga Marcos.

Habang si Velasco ay maituturing na “bagito”.

Matatandaan na ikinampanya at sinuportahan ni Velasco noong 2016 si Sen. Grace Poe at hindi si Pangulong Duterte. Si Poe rin ang number one sa balwarte nitong Marinduque sa nakaraang May 13, 2019 elections.

Samantala, si Taguig Rep.-elect Alan Peter Ca­yetano na siyang matunog na tatakbo bilang House Speaker, batay sa karanasan nito ay respetado sa lahat ng sektor sa loob at labas ng bansa na mahalaga umano sa isang lider.

HOUSE SPEAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with