“Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, ma’m, bakit noon ma’m naga-smile ka sa akin, ngayon hindi na? Ikaw ha,” sabi ni Duterte na nagpatawa sa mga au­dience.
Andy G. Zapata Jr.
Leni tinukso ni Digong: ‘Ma’m, ikaw ha!’
Alexis Romero (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinukso ni Pangulong Duterte si Vice Pres. Leni Robredo nang dumalo at magkita sila sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy ‘Mabalasik’ Class 2019 sa Fort del Pilar, Baguio City kahapon.

Iyon ang unang pagkikita nila mula nang idawit siya sa umano’y planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte at makaraang matalo ang oposisyon sa nagdaang halalan.

Sa simula ng kanyang talumpati, biniro ni Pangulong Duterte si Robredo dahil hindi na siya nito nginingitian.

“Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, ma’m, bakit noon ma’m naga-smile ka sa akin, ngayon hindi na? Ikaw ha,” sabi ni Duterte na nagpatawa sa mga au­dience.

Pagkatapos ng kanyang 13 minutong talum­pati, nakitang nakikipagkamay si Duterte sa nakangiti nang si Robredo.

Nauna rito, ibinunyag ng narrator ng anti-Duterte “Ito ang totoong Narcolist” video na si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ang oposisyon na kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes at ng Liberal Party na pinamumunuan ni Rob­redo ang may pakana sa video para patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Mariing pinabulaanan ni Robredo ang akusasyon. 

LENI ROBREDO PHILIPPINE MILITARY ACADEMY RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with