Higit 1K pulis na sinibak sa puwesto, ibabalik na

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Alba­yalde, hinihintay na lamang na matapos ang canvas­sing at proklamasyon ng mga nagwaging kandidato bago ang mga ito ibalik sa kanilang dating posisyon.
File

MANILA, Philippines — Ibabalik na sa puwesto ang mahigit 1,000 opisyal at tauhan ng Philippine National  Police (PNP) na tinanggal sa puwesto dahil may mga kamag-anak na tumatakbo sa katatapos na midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Alba­yalde, hinihintay na lamang na matapos ang canvas­sing at proklamasyon ng mga nagwaging kandidato bago ang mga ito ibalik sa kanilang dating posisyon.

Una nang ipinatupad ng PNP ang malawakang rigodon upang hindi maimpluwensyahan ng pulitika ang mga PNP officers and personnels na may mga kaanak na kumandidato.

Samantala ang iba naman bagaman walang kamag-anak na tumatakbo ay matagal na sa isang lugar kaya kinailangang ilipat ng ibang puwesto upang makaiwas ang mga ito sa partisan political activity.

Binigyang diin ni Albayalde na nanatili ang mandato ng PNP na huwag makisawsaw sa pulitika.

Sa kasalukuyan  patuloy pa rin ang mahigpit na checkpoint at kampanya laban sa loose firearms sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Show comments