Defense chief isinugod sa pagamutan

MANILA, Philippines — Isinugod sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na sumama ang pakiramdam nito.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Defense Spokesman Arsenio Andolong matapos na kumalat ang mga bulung-bulungan na dumanas umano ng ‘cardiac arrest’ ang kalihim.

Nilinaw naman ni Andolong na hindi inatake sa puso si Lorenzana. May kinalaman anya sa kaniyang nanlalabong paningin ang pagpapa-checkup nito sa nasabing pagamutan.

“The Secretary of National Defense Delfin  Lorenzana checked into the Veterans Memorial Medical Center (VMMC) on Monday, 13 May 2019, for an issue involving his vision, and was advised by the Director of the VMMC to undergo a complete executive checkup,” pahayag ni Andolong.

Sa kaniyang viber message, sinabi naman ni Lo­renzana na kailangan lamang niya ng konting pahinga dahilan masyadong “stressful” ang kaniyang trabaho.

Wala raw dapat ipag-alala dahil maayos naman ang kaniyang kalusugan bagaman sobrang napagod lamang siya sa maraming trabaho sa kaniyang departamento.

Show comments