Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target ng Comelec na maiproklama ng sabay-sabay ang lahat ng 12 mananalong senador.
12 senador ipoproklama ngayong linggo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipoproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong senador sa linggong ito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target ng Comelec na maiproklama ng sabay-sabay ang lahat ng 12 mananalong senador.

Martes ng hapon nang umpisahan ng Comelec ang canvassing at paglalabas ng opis­yal at partial na resulta ng eleksyon.

Samantala, hiniling ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) sa Comelec na i-transmit na ang lahat ng election returns (ERs) dahil ang mga natitira at hindi pa nababasang election returns ay kritikal pa rin sa mga kandidatong nasa hulihang puwesto.

Umaabot pa lang sa 97.75 porsyento o 83,842 partial at unofficial results ng election returns sa buong bansa ang naipadala ng Comelec transparency server sa kanilang mga partner watchdog at mga media outlet.

COMMISSION ON ELECTIONS JAMES JIMENEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with