Anakalusugan No. 7 sa survey

MANILA, Philippines — Nakopo ang top 7 ng partylist na Anakalusugan sa isinagawang nationwide survey ng Smart Poll and Media Trend Setter sa mga tumatakbong partylist sa bansa.

Ang Anakalusugan (mula sa Alagaan Natin Ating Kalusugan) ang nag-iisa at natatanging partylist group na tumakbo para sa darating na midterm elections na nagsusulong ng adbokasiya ukol sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino at kinakatawan ni dating Sec. Mike Defensor.

Sa non-commissioned survey ng Smart Poll and Media Trend Setter na may 15,000 respondents at isina­gawa mula Abril 27- May 5, lumitaw na 3.28% ng mga botante ang nagsasabing boboto sila sa Anakalusugan.

Show comments