Kuha nina Perven (kaliwa) at Mary Ann Abellanoza (kanan) na iniuugnay sa kaso.
Facebook
$3.5 million tinangay diumano ng Pinay sa luxury cruise company
James Relativo (Philstar.com) - May 7, 2019 - 10:29am

MANILA, Philippines — Inihabla sa Australia isang ang Filipina accountant matapos paratangang nagnakaw ng $3.5 milyon mula sa Silversea Cruises, isang luxury cruise company, sa pamamagitan ng "fraud."

Ayon sa ulat ng Sydney Morning Herald, sinabing isinagawa raw ni Mary Ann Abellanoza ang krimen sa loob ng apat na taon sa Sydney office ng Monaco-based company.

Humaharap sa 98 fraud offenses ang 53-anyos mula sa Plumpton, New South Wales, kabilang ang pagkuha raw ng "financial advantage" gamit ang panloloko.

Nanggaling ang mga detalye sa dalawang magkahiwalay na kaso — isang criminal case laban kay Abellanoza sa Downing Centre Local Court at isang kasong sibil sa MSW Supreme Court laban sa kanila ng kanyang mister para makuha ng kumpanya ang nawawalang milyones.

Ayon sa korte, nakitang naglipat si Mary Ann ng $3.56 milyon sa pitong bank accounts noong 2014 habang siya'y branch accounting supervisor at gumamit daw ng "downloadable generator" para gumawa ng pekeng invoices.

Taong 2018 nang paghinalaan si Abellanoza nang sabihin niya sa kanilang senior executive na nabiktima siya ng "online scam" at nagpresentang papalitan ang pera.

Nakita rin daw na sinisira ng akusado ang ilang dokumento ilang araw bago magbitiw sa kumpanya.

Hindi naman naglagak ng depensa si Ms. Abellanosa tungkol sa mga reklamo sa kanya, dahilan para sabihin ni Supreme Court Justice John Sackar na "kapanipaniwala" ang mga ebidensya laban sa kanya.

Maaari naman daw gumawa ng iba't iba't ibang paraan ang cruise company para mabawi ang nawawalang $3.5 milyon. 

Mister ng akusado hindi haharap sa kaso

Samantala, ligtas naman mula sa mga kasong kriminal ang kanyang mister na si Perven Abellanoza matapos niyang makumbinsi ang hukom na hindi niya alam na nakatanggap siya ng $811,565 na dinispalkong pera.

Ayon kay Justice Sackar, naniwala raw si Perven na nakuha ng kanyang misis ang yaman matapos ang pitong araw na pagsusugal.

"I am satisfied the second defendant trusted his wife, and his wife was demonstrating to him that she was indeed lucky, confirming his belief," sabi ni Justice Sackar sa kanyang desisyon.

"There is no evidence [by Silversea Cruises] before me to indicate that his wife could not have won those amounts without spending vast amounts of money... no information as to the odds expected of certain poker machines."

Dahil dito, $1,829 lang daw ang maaaring mabawi ng Silversea mula kay Perven — perang natitira sa dalawang bank account na hawak ng mag-asawa.

Sinabi ni Perven na dinivorce na raw sana niya ang kanyang misis kung nalaman lang daw niya na nakaw ang pera.

Dismayado naman ang kumpanya sa desisyon, at sinabing "ipinikit niya [Perven] ang mga mata sa krimeng halata" o "hindi man lang nagawang magtanong."

Una nang sinabi ng mister ni Mary Ann na hindi hindi siya maalam sa teknolohiya at "hindi marunong gumamit ng ATM."

Matutuloy ang pagdinig ng kaso sa Downing Centre Local Court sa ika-23 ng Mayo.  James Relativo

AUSTRALIA CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with