Albay todo suporta sa Ang Probinsyano
MANILA, Philippines — Suportado ng mga taga-Albay ang Ang Probinsyano Partylist.
Ito ang napatunayan ng grupo nang dumugin sila ng mga Bikolano nang bisitahin nila ang lalawigan kamakailan bitbit ang sikat na actor na si Coco Martin at rap artists na sina Brian “Smugglaz” Lao aka Butete at Lordivino “Bassilyo” Ignacio aka Bulate na nangampanya para sa nangungunang partylist para sa parating na halalan.
Sinalubong ang grupo pagdating nila sa Legazpi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa airport. Mula sa Legazpi ay nagmotorcade ang grupo sa mga bayan ng Daraga, Bacacay at Guinobatan.
Halos matigil naman ang motorcade ng Ang Probinsyano PartyList sa bayan ng Guinobatan dahil sa kapal ng mga tao na sumalubong sa kanila.
Sa Bacacay ay hindi naman alintana ng mga residente ang init ng araw sa tanghali masilayan lamang ang ang pag-awit ni Coco Martin. Todo rin ang kanilang saya sa dagdag na aliw na hatid nila Smugglaz at Bassilyo.
- Latest