^

Bansa

Manila Water pinagmulta

Louise Maureen Simeon, Patricia Lourdes Viray, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Manila Water pinagmulta
Naunang kinumpirma ng MWSS na lumabag ang Manila Water sa obligasyon nito sa ilalim ng concession agreement na magbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo sa mga customer nito sa east concession zone.

Dahil sa krisis sa tubig

MANILA, Philippines — Pinatawan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng multang mahigit P1 bilyon bilang parusa ang pribadong water concessionaire na Manila Water dahil sa krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal noong nakaraang buwan.

Naunang kinumpirma ng MWSS na lumabag ang Manila Water sa obligasyon nito sa ilalim ng concession agreement na magbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo sa mga customer nito sa  east concession zone.

Dahil sa naging kakapusan ng suplay sa tubig, ipinahayag ng Manila Water na hindi ito maniningil ng minimum o basic charge para sa buwan ng Marso. Ang voluntary at one-time bill waiver scheme ay sumasaklaw sa first 10 cubic meters na nakokonsumo sa isang buwan.

Ang multa na ipinataw sa Manila Water ay bukod pa sa P500 milyong ibabalik sa mga konsyumer sa pamamagitan ng  one-time bill waiver scheme nito.

Nagpahayag naman ang Manila Water na susunod ito sa utos ng MWSS sa pagpataw nito ng financial penalty.

Kaugnay nito, iginiit kahapon nina Senators Francis “Kiko” Pangilinan at Aquilino “Koko” Pimentel na dapat direktang mapunta sa mga naapektuhang consumers ang mahigit P1 bilyon ipinataw ng MWSS Board sa Manila Water dahil sa krisis sa suplay ng tubig na nagsimula noong Marso.

vuukle comment

MANILA WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with