Crime rate mababa sa panahon ng Kuwaresma

Kasabay nito, pinapurihan ni Albayalde ang mga PNP Commanders at personnels na nagpatupad ng mahigpit na seguridad para sa mapayapang Holy Week.

MANILA, Philippines — Mababa lamang ang naitalang insidente ng kriminalidad na hindi nangangailangan ng ‘national emergency’ sa paggunita sa Semana Santa sa buong bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde na sinabing naging mapayapa sa pangkalahatan ang Semana Santa bunga ng pinaigting na seguridad ng kapulisan at iba pang mga law enforcement agencies.

Kasabay nito, pinapurihan ni Albayalde ang mga PNP Commanders at personnels na nagpatupad ng mahigpit na seguridad para sa mapayapang Holy Week.

Nasa kabuuang 24, 779 PNP personnel ang ideneploy sa Semana Santa habang 4,732 naman ang mga itinalagang Police Assistance Centers sa mga istratehikong lokasyon sa mga pangunahing lansangan, daan sa mga pagbiyahe, mga panguna­hing instalasyon.

 

Show comments