De Lima ‘pinaglaruan’ sa social media
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mariing kinondena kahapon ni Senator Leila de Lima ang dinoktor na larawan niya sa isang post sa social media kung saan pinalabas na naghain siya ng petisyon sa Supreme Court para makadalaw umano isang beses isang linggo ang kanyang dating driver na naging karelasyon na si Ronnie Dayan.

Nakatitiyak si de Lima na kagagawa ng “troll army” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing malisyosong post.

Ayon pa kay de Lima, lumutang ang nasabing “disinformation” laban sa kanya sa panahon na matindi ang banat niya laban sa rehimen ni Duterte.

 Pinuna ni de Lima na ang mga bayarang nagpapakalat ng fake news ang nagpapakalat din ng galit sa internet para sa benepisyo ni Duterte na para kay de Lima ay nangungunang source ng fake news.

Noong nakaraang Marso 29, ilang kuwestyunableng Facebook pages ang nag-share ng isang binagong litrato ni de Lima kung saan hawak niya ang isang dokomento na humihiling sa SC na mabisita siya ni Dayan.

 Sinabi ni de Lima na maliwanag na pinag­laruan ang kanyang litrato at dapat agad itong tanggalin ng Facebook.

 

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with