Magnitude 5 na lindol niyanig ang Calayan, Cagayan

Wala pa mang naiuulat na pinsala, inaasahan naman daw ng Phivolcs ang aftershocks.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Naitala ang magnitude 5 na lindol ngayong Lunes sa Calayan, Cagayan alas-nuebe trenta y trenta ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Bagama't wala pang naiuulat na napinsalang ari-arian, inaasahan naman daw ng Phivolcs ang aftershocks.

Sinasabing "tectonic" ang origin ng nangyaring pagyanig.

Naiulat ang Intensity III sa:

  • Claveria, Cagayan
  • Pasuquin, Ilocos Norte
  • Laoag City, Ilocos Norte

"[Intensity III is] felt by many people indoors [e]pecially in upper floors of buildings. Vibration is felt like the passing of a light truck. Dizziness and nausea are experienced by some people," paliwanag ng Phivolcs-DOST.

Kapansin-pansin na rin ang katamtamang pagduyan ng mga nakasabit na bagay sa ilalim nito.

Makikita na ring gumalaw ang tubig sa mga container.

Sa Sinait, Ilocos Sur naman nadama ang Intensity II na pagyanig.

Tinatawag na "slightly felt" ang nasabing intensity at mararamdaman ng ilang taong nakatigil indoors.

Bahagya na rin ang pag-ugoy ng mga nakasabit at bagay at makikita ang paggalaw ng still water sa lalagyan.

Naitala naman ang Intensity I sa Gonzaga, Cagayan.

Kakaonti lang ang makadarama nito at mahina lamang ang paggalaw ng mga nakasabit na kagamitan.

Show comments