Subsidy sa rice farmers, hiling ng Ang Probinsyano
Ayon sa Ang Probinsyano Partylist, kaila­ngan ang mabilis na pag­­bibigay ng Department of Finance (DoF) at Department of Agriculture (DA) ng karampatang subsidy para sa mga magsasaka upang hindi sila lalong malugmok sa kahirapan dulot ng rice tariffication law.
File

Subsidy sa rice farmers, hiling ng Ang Probinsyano

(Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nanawagan kama­kailan ang Ang Probinsyano Partylist ng agarang subsidy para sa mga magsasaka.

Ayon sa Ang Probinsyano Partylist, kaila­ngan ang mabilis na pag­­bibigay ng Department of Finance (DoF) at Department of Agriculture (DA) ng karampatang subsidy para sa mga magsasaka upang hindi sila lalong malugmok sa kahirapan dulot ng rice tariffication law.

Maaaring tuluyan nang bumagsak ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas kapag hindi agad nabigyan ng ayuda ang mga magsasaka ng bigas dahil na rin sa pagdagsa ng mga mura at imported na bigas.

Sa pagdalaw ng Ang Probinsyano sa lalawigan ng Nueva Ecija na mas kilala bilang Rice Bowl ng Pilipinas kamakailan, hiniling ng grupo na maglaan agad ang pamahalaan ng ayuda para sa kanila upang maagapan ang masamang epekto ng rice tariffication sa kanilang kabuhayan.

Kasama naman ng Ang Probinsyano Party­list ang actress na si Meg Imperial sa pagbisita sa naturang lalawigan bilang kaagapay sa kanilang adhikain na maisulong ang kaunlaran sa mga kanayunan.

 

RICE FARMER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with