^

Bansa

Digong may death threat

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong may death threat
Si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon City. Kapansin-pansin ang bullet proof glass sa kanyang harapan.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — May nagbabanta umano sa buhay ni Pangulong Duterte kaya mayroong bullet proof glass ang harapan nito habang nagsasalita kamakalawa ng gabi sa campaign rally sa Malabon City.

“May gusto mang pumatay sa akin. Pero pa­lagay ko pa naman ang buhay ay swerte-swerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa,” wika ni Pa­ngulong Duterte.

Aniya, wala siyang kontrol sa ipinapatupad na security arrangements ng Presidential Security Group (PSG).

“Alam mo ha itong picture frame na ito ha iyon ang hindi ko na kontrolado. Sumama man ang loob ko, magalit ako, hindi ko mautusan ang security setup ng PSG, Presidential Guards, kasi sila talaga ang masunod,” giit pa ng Pangulo.

“Noong bago pa ako, I kind of insisted na ‘yung akin ang masunod kasi ang mga tao po ay hindi na nakakapaglapit sa akin. Eh, sanay na ako ‘yung mayor tuloy-tuloy ako, ine-embrace ko sila. Lalo na kung maraming babae, talagang natatagalan ako,” paliwanag pa ni Duterte.

Naalala pa ng Pa­ngulo noong una siyang maupo bilang Pangulo ay pinagbawalan na siya ng PSG na maging masyadong malapit sa crowd para na rin sa seguridad nito.

“Pagka-presidente ko iba ang istilo at gusto nila distansiya at hindi makadikit,” sabi pa ng Pangulo.

“When you protect me and you believe in my advocacy you are protecting the nation, not me. My life is just like an ordinary Filipino. If it’s my time today, tonight, tomorrow so be it,” sabi pa ni Duterte.

vuukle comment

DEATH THREAT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with