Chinese militia sa Pag-asa Island alarming – Lacson
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakabahala at  hindi dapat balewalain ng gobyerno ang napaulat na nasa 275 Chinese vessels at Chinese militia malapit sa Pag-asa Island.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, hindi dapat paniwalaan na mga Chinese fishermen ang mga lumalapit sa Pag-asa Island dahil may armas umano ang mga ito.

Sabi pa ni Lacson, hindi dapat ipamalita mismo ng gobyerno na hindi nito kayang lumaban sa China dahil parang ipinapahiwatig na kayang-kayang masakop ang Pilipinas.

“Whether it’s 600, 275, 200, 100, the fact that there are Chinese vessels na mga militia, not even fishermen, ano ini-indicate noon? Tapos sabihin nating hindi tayo pwede makipag giyera sa China, isang missile lang tapos na tayo. Kung ganoon din lang, pasakop na tayo, di ba? Those are information that are better kept to ourselves. Huwag mo na i-advertise na di namin kayo kaya labanan,” sabi ni Lacson.

Idinagdag ni Lacson na mas mabuting huwag magpakita ng kahinaan ang gobyerno at sa halip ay hayaan ang kalaban na mang­hula kung ano ang kapasidad ng Pilipinas.

Naniniwala rin si  Lacson na dapat mag­hain ng note verbale ang Pilipinas at iprotesta ang ginagawa ng China.

CHINESE VESSELS PAG-ASA ISLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with