^
Political empowerment, isulong sa BARMM
Sa kanyang pagdalo sa symbolic inauguration ng BARMM nitong Biyernes sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato city, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang bagong tatag na bangsamoro entity ang magiging daan para tuluyang mabigyan ng katarungan ang historical injustices sa mga mamamayang Bangsamoro.
Michael Varcas

Political empowerment, isulong sa BARMM

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ngayon ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga bagong hirang na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na isulong ang political empowerment sa lahat ng mga sektor sa rehiyon.

Sa kanyang pagdalo sa symbolic inauguration ng BARMM nitong Biyernes sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato city, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang bagong tatag na bangsamoro entity ang magiging daan para tuluyang mabigyan ng katarungan ang historical injustices sa mga mamamayang Bangsamoro.

Samantala, inihayag naman ni Pangulong Duterte ang kanyang lubos na kasiyahan sa naging tagumpay ng BARMM sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Bangsa­moro Organic Law o BOL.

Samantala, tiwala naman si MILF chairman at BARMM Interim Chief Minister Murad Ebrahim na magandang panimula para sa pagkamit ng full autonomy ang isinagawang makasaysayang inagurasyon ng BARMM.

Tiniyak naman ni Ebrahim na walang maiiwang sektor at komunidad sa mga programa at serbisyo na itataguyod ng BARMM ngayong opisyal na silang magsisimula sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Kasabay naman ng inagurasyon ay ang panunumpa rin ng mga kasapi ng Bangsamoro Transition Authority o BTA. Kasabay nito ay hiniling naman ng mga kasapi ng BTA na ipanalangin sila upang magabayan ng Diyos sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with