^

Bansa

March bill ililibre ng Manila Water

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
March bill ililibre ng Manila Water
Sinabi ni Manila Water President and CEO Ferdinand dela Cruz, na boluntaryo nilang ipa­tutupad ang minsanang waiver at makikita ito sa matatanggap na bill sa Abril bilang ayuda sa mga customer na labis na naapektuhan ng malawakang pagkaantala ng serbisyo ng tubig.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kusang magbibigay ang Manila Water ng “one-time bill waiver” sa bayarin ng tubig para sa buwan ng Marso sa kanilang mga customer.

Sinabi ni Manila Water President and CEO Ferdinand dela Cruz, na boluntaryo nilang ipa­tutupad ang minsanang waiver at makikita ito sa matatanggap na bill sa Abril bilang ayuda sa mga customer na labis na naapektuhan ng malawakang pagkaantala ng serbisyo ng tubig.

“Naiintindihan namin ang matinding kabiguang naramdaman ng aming mga customer nitong nakaraang 3 linggo. Sa aming kagustuhang makatulong sa pagpapagaan ng abalang naidulot ng matinding kawalan ng tubig, at sa gabay na rin ng parehong MWSS Corporate Office at Regulatory Office, magkakaloob kami ng dalawang lebel ng ‘waiver’ para sa mga customer,” sabi ni dela Cruz.

Una, lahat ng customer ay mapagkakalooban ng kaltas ng “minimum charge”. Ikalawa, ang mga customer sa mga barangay na nakaranas ng lubos na kawalan ng serbisyo sa tubig nang pitong araw o higit pa, tuloy-tuloy man o hindi, sa pagitan ng Marso 6 hanggang 31, 2019 ay hindi na sisingilin ng kabuuan ng kanilang bayarin sa buwang ito, dagdag ni dela Cruz.

Nakapaloob sa ‘mi­nimum charge’ na kumakatawan sa 10 cubic meters ng tubig, ang singil sa serbisyong pantubig, pang-alkantarilya, at programang pangkalikasan.

Ang tipikal na ‘minimum charge’ ay nagkakahalaga sa pagitan ng P76 kada buwan para sa mga ‘lifeline customer’ na mababa lang ang konsumo, hanggang P656 sa mga ‘industrial customers’.

Ang mga ‘lifeline customers’ ang lubos na makikinabang sa ‘waiver’ na ito dahil ang ‘minimum charge’, na siya ring buwanang si­ngil sa kanila, ay hindi na pababayaran.

And kabuuang bill waiver ay nagkakahalaga ng P150M.

Maaalalang nakaranas ang mga customer ng Manila Water ng mala­king kaabalahan simula noong Marso 6 bunsod ng ‘water shortage’ na nag-udyok sa kumpanya na magpatupad ng mga nakatakdang “service interruptions” para muling mapunuan ang 28 nitong ‘network reservoirs’.

Sa kasalukuyan, nagpupursige pa rin ang Manila Water na maibalik ang 24/7 supply ng tubig sa lahat ng customers, kahit sa mas mahinang ‘pressure’.

vuukle comment

MANILA WATER

ONE-TIME BILL WAIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with