Ayon kay Aquino, ang Bamboo o 14K HK Triad ang responsable sa nabuwag nilang laboratoryo ng shabu sa Arayat, Pampanga noong 2017.
4 int’l drug syndicate nasa Pinas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Apat na International Drug Syndicate ang nag-o-operate ngayon sa Pilipinas, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tinukoy ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang mga nasabing sindikato na United Bamboo Gang o 14K Hong Kong Triad, Sinaloa drug cartel, African drug syndicate at Golden Triangle syndicate.

Ayon kay Aquino, ang Bamboo o 14K HK Triad ang responsable sa nabuwag nilang laboratoryo ng shabu sa Arayat, Pampanga noong 2017.

Ang Sinaloa drug cartel naman ang nasa likod ng floating cocaine sa iba’t ibang karagatan sa bansa at mga shabu na ipinapasok sa pamamagitan ng mail at packages na idinadaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga.

Ang African syndicate ang sinasabing nasa likod ng pagha­hanap ng mga mapapangasawang Filipina para gawing drug courier sa bansa.

Habang ang Golden Triangle ang itinuturing na pinaka-makapangyarihan sa Asya at halos lahat ng uri ng iligal na droga ay kanilang ginagawa at ipinapasok sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Sinabi ni Aquino, ang apat na Chinese national na nahuli nila sa Alabang mall at sa isang exclusive subdivision sa Ayala na nakumpiskahan ng P1.3 bilyong halaga ng droga at pagkakasabat nila ng P1.8 bilyong shabu sa Manila International Container Port (MICP) sa Port Area, Maynila ay pawang miyembro ng Golden Triangle.    

Dati ay libu-libong halaga lamang ng droga ang kanilang nakukum­piska, naging milyon at ngayon ay bilyong ha­laga na ang kanilang nasasabat.

Inamin ni Aquino na nakakabahala na ang pagdami ng droga na ipinapasok sa bansa kaya higit pa nilang pinagbubuti ang kanilang trabaho para mapigil, maaresto at maparusahan ang bawat madarakip nilang miyembro ng nasabing mga sindikato.

AARON AQUINO PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with