60 water tanker dineploy ng Pasig City
(Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdeploy ng mahi­git 60 water tankers ang Pasig City Government upang magbahagi ng tubig sa mga barangay na matinding naapektuhan ng kakulangan sa suplay ng tubig.  

Sa gitna ng krisis sa tubig na naranasan ng ilang lugar sa Maynila nitong mga nakaraang linggo, kaagad na rumes­ponde ang Pasig City Government upang tulungan ang Manila Water na madagdagan ang kanilang water rationing initiatives.

Ang mga tangke ng tubig ay kaagad na ipinamahagi sa mga residente ng barangay Kapitolyo, Bagong Ilog, Pineda, Ugong, Oranbo, San Antonio, at mga karatig lugar.

Sa pakikipagtulu­ngan kay Pasig City Mayor Bobby Eusebio at Pasig City National Disaster Risk Reduction Management Office Head Ritche Angeles, ang mga truck ay nango­lekta ng tubig mula sa hydrants na ipinapamahagi sa service area ng Manila Water na nagsisilbing water collection points at nakapagbahagi na ng tubig sa mga apek­tadong residential sites.

Siniguro rin ng go­vernment unit na makakapagbahagi ng tubig ang water tankers sa Rizal Medical Center at Pasig General Hospital.

WATER TANKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with