Ito ang pangamba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng usapin kung dapat pa bang irebisa ang MDT o hindi na.
Ito ang pangamba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng usapin kung dapat pa bang irebisa ang MDT o hindi na.
Michael Varcas
Pilipinas maiipit sa giyera ng US vs China
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posible umanong sumiklab ang shooting war sa pagitan ng Estados Unidos at China at maipit ang Pilipinas kapag hindi narebisa ang RP-US Mutual Defense Treaty (MDT).

Ito ang pangamba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng usapin kung dapat pa bang irebisa ang MDT o hindi na.

“The Philippines is not in a conflict with anyone and will not be at war with anyone in the future. But the United States, with the increased and frequent passage of its naval vessels in the West Philippine Sea, is more likely to be involved in a shooting war,” sabi ni Lorenzana.

Sinabi ni Lorenzana na ito ang dahilan sa gitna na rin ng kanyang pagpupursige na pag-usapan ng Pilipinas at US ang mga probisyon ng naturang tratado.

Una rito, sinabi ni Fo­reign Affairs Secretary Teo­doro Locsin Jr. na hindi na kailangang irebisa ang RP-US MDT dahil sapat na ang ibinigay na katiyakan ni US Secretary of State Michael Pompeo sa commitment ng Amerika na ipagtanggol ang Pilipinas kapag ito’y armadong inatake na ang tinutukoy ay ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pero sabi ni Lorenzana, nang ma-terminate o tapusin na ang US military bases sa Pilipinas noong 1992 at lisanin ng mga Amerikanong sundalo ang kanilang mga pasilidad sa Subic Airbase sa Zambales at Clark Airbase sa Pampanga ay tuluyan nang nawala ang security umbrella ng Pilipinas.

“It is not the lack of reassurance that worries me. It is being involved in a war that we do not seek and do not want,” giit pa nito.

DELFIN LORENZANA MUTUAL DEFENSE TREATY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with