February inflation bumagal sa 3.8%

Ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala simula noong Marso 2018.
The STAR/Andy G. Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Bumaba sa 3.8 mula sa dating 4.4 porsyento noong Enero ang headline inflation para sa buwan ng Pebrero 2019.

Ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala simula noong Marso 2018.

"The main drivers in the downtrend of inflation in February 2019 were food and non-alcoholic beverages, alcoholic beverages and tobacco, and transport," ayon sa Philippine Statistics Authority ngayong Martes.

Ipinakikita ng inflation ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa isang takdang panahon. 

Sa transportasyon, umambag naman daw sa deceleration noong Pebrero ang petrolyo at mga panggatong na ginagamit sa personal transport equipment, domestic air fare at ferry/ship fare.

Ito'y kahit na nagkaroon ng "big-time oil price hike" noong ika-26 ng Pebrero.

Kung kwekwentahin ang year-to-date inflation o average mula noong simula nang taon hanggang kasalukuyan, lumalabas na 4.1 porsyento ito — malapit sa 2-4 na target ng gobyerno ngayong taon.

"Using the seasonally adjusted CPI [consumer price index], the month-on-month growth of prices of all items in the Philippines rose by 0.1 percent in February 2019," dagdag ng PSA.

Sa National Capital Region, bumaba rin ito sa 3.8 porsyento ngayong Pebrero.

Pinakamababa naman ang inflation noong nakaraang buwan sa Cordillera Administrative Region sa 2.5 porsyento.

Sa labas ng NCR, naitala naman ang pinakamataas na "annual increase" sa rehiyon ng MIMAROPA sa 5.3 porsyento.

Bago ang mga pagbaba, sumirit ang inflation noong nakaraang taon matapos magpataw ng mas mataas na excise tax sa ilang commodities, "bottlenecks" sa suplay ng pagkain at pagtaas ng presyo ng krudo.

Sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Gvernor Diwa Guinigundo na "consistent" sa forecast ng monetary authorities ang pinakahuling mga datos.

“We continue to consider our current monetary settings as appropriate given the emerging risks both here and abroad,” sabi ni Guinigundo sa isang pahayag.

“However, the Monetary Board will be meeting this month precisely to review the stance of monetary policy given the expected new data that would be available from now until the next meeting against the backdrop of a softening global economy,” dagdag niya.

Ayon naman sa ANZ Research, babagal naman daw ang pagbaba ng inflation matapos nito.

"Oil prices have recovered recently and evidence suggests that rice prices may also be bottoming out," sabi nito.

Gayunpaman, kampante naman silang mananatili ang inflation sa target ng gobyerno.

"Even so, headline inflation should remain within the BSP’s target in the coming months. Against this backdrop, we expect the BSP to keep rates unchanged at its meeting on 21 March."

'Presyo mataas pa rin'

Kung ikukupara naman ito sa inflation noong isang taon, halos wala itong pinagbago.

Pebrero noong 2018 kasi, naitala ang 3.9 porsyento na inflation rate.

Dahil dito, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagano Zarate na hindi pa rin ito panahon upang magsaya.

"[The] so-called slowing or deceleration of inflation is nothing to be happy about as this does not mean that prices of basic goods are now going down or even lower as compared to last year or compared to last month," ani Zarate.

Ang katotohanan daw, mataas pa rin ang presyo ng basic commodities at 'di abot ng karamihan ng mahihirap na Pilipino na umaaray pa rin sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law. 

"As it is the net fuel price movements from Jan.1-Feb.26, 2019 are for diesel at P6.69/L, gasoline at  P5.89/L, and kerosene at P4.52/L. Napakabigat na pasanin nito sa mga consumers lalu na't ngayon ay humihingi uli ng dagdag pasahe sa mga jeep," banggit ni Bayan Muna chairperson at Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares.

"Without a corresponding increase in the already stunted wage of our workers, we should still brace for more hardships this year," sabi ni Rep. Zarate.

Muli naman silang nanawagan na desisyunan ang isinampang kaso sa Korte Suprema para ideklarang unconstitutional ang Train Law nang makatikim naman ng ginhawa ang consumers.

Show comments