Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, karaniwan na nilang inaalis sa talaan ang mga bagyo na nag-iwan ng 300 patay at nakapinsala ng may P1 bilyon sa mga pataniman at imprastraktura.
Geremy Pintolo
Ompong, Rosita at Usman inalis sa listahan ng mga bagyo
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng PAGASA ang pangalan ng mga bagyong Ompong, Rosita at Usman na nagdulot ng pagkamatay ng maraming mamamayan at may matinding pinsala sa kapaligiran.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, karaniwan na nilang inaalis sa talaan ang mga bagyo  na nag-iwan ng 300 patay at nakapinsala ng may P1 bilyon sa mga pataniman at imprastraktura.

Anya, ang Ompong, Rosita at Usman ay napalitan na ng mga pangalang Obet, Rosal, at Umberto.

Si Ompong na tumama sa bansa noong Setyembre 2018 ay nakapaminsala ng may P33.9-bilyon sa agrikultura at imprastraktura at kumain ng mahigit 80 katao.

Si Rosita naman na tumama sa bansa noong October 2018 ay may pinsalang P2.9-bilyon sa mga pataniman at imprastraktura at ?may 20 katao ang nagbuwis ng buhay dito.

Ang bagyong Usman na nanalasa noong nagdaang Disyembre ay kumain ng 156 katao at nakapinsala ng P5.4 bilyon sa imprastraktura.

Sa isang taon, ang Pilipinas ay tinatamaan ng halos 20 bagyo.

PAGASA VICENTE MALANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with